Posts

Pagsusuri sa tulang Isang Punong Kahoy ni: Jose Corazon de Jesus

Isang Punong Kahoy   Ni: Jose Corazon de Jesus I. Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang krus; Sa napakatagal na pagkakaluhod,                                             Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. II. Organong sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian, Habang ang kandila ng sariling buhay, Magdamag na tanod sa aking libingan... III. Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. IV. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; at tsaka buwang tila nagdarasal. Ako’y binabati ng ngiting malamlam. V. Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy. VI. Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng di