Pagsusuri sa tulang Isang Punong Kahoy ni: Jose Corazon de Jesus



Isang Punong Kahoy
 Ni: Jose Corazon de Jesus
I.


Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,                                           
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PAGSUSURI NG TULA

I.                   TALAMBUHAY NG AKDA


Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa EspaΓ±ol) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'


II.                PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

            Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa isang punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos.
            Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang mga musikang tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan sa kanyang lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.
            Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
            Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa kanya ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Kaya nang nalaman niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.
            Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog bago ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling hantungan. At ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

            Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan at nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
            Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni nang napagtanto niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

            Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan, inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.

III.             TUNGKOL SA AKDA

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang
buhay at naisin, itoy paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha. 

IV.             ESTILO

Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda sa buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng Pag-ibig  kaya naman mababakas ang kaniyang pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng luha na ang damdaming umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona sa tula. Ang tulang ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang sukat at nasa ganap na tugma

Maka-kalikasan

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit proseso ng buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong punla na nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng buhay.

V.                TUGMA

Sa tula ng Isang  Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.

VI.             SUKAT

  Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may walong saknong.

VII.          IMAHEN

  Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:

 Ako’y tila nakadipang kurus
Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag-iisip ng mga mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng kanyang tula upang mas makatutulong sa mga mambabasa na mabilis mauunawaan at madama ang inilalarawan ng makata. Ayon sa pagdanas niya sa kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng buhay. Kung saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang karanasan na ginamit niya bilang inspirasyon.

VIII.       Uri ng Genre : Tulang Pandamdamin o Liriko

Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”
at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay. Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao. Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang pinaghanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

 Sa tulang ito’y  ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod na;
 Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;

 Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na kanyang nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon. Samantala pagdurusa naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.




Comments

  1. Replies
    1. Ano Ang dalawang bagay na nakapagpaantig sa aking damdamin ay...

      Delete
    2. the people on here are so fucking lonely, damn.

      Delete
    3. Ano ang kayarian ng taludturang kinabibilangan?

      Delete
    4. Ano pala ung tayutay at ung larawang diwa ng tula?

      Delete
  2. Mayroon po kayong mahusay na pagsusuri sa tulang "Isang Punong Kahoy" ni Jose Corazon de Jesus, nawa'y lumago at makilala pa po ang inyong blog, maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong pagsusuri. : )

    ReplyDelete
  3. magandang pagsusuri sa tulang Isang Punong Kahoy ni: Jose Corazon de Jesus.dameng aral kung napulot Sakit.info

    ReplyDelete
  4. Ano pong ibigsabihin ng "natuyo namatay sa sariling aliw"

    ReplyDelete
  5. Thank you..so muchπŸ’—πŸ’—

    ReplyDelete
  6. Ano nga po ang aral dito
    Summary lang po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang punong kahoy daw ung summary

      Delete
    2. Sa pagkakaaalm ko sinasagisag niya kung ano ang buhay niya na naiipahiwatig ng isang puno

      Delete
  7. ano ang sinasagisag ng punong kahoy sa tula?

    ReplyDelete
  8. Talinghaga sa isang punong kahoy

    ReplyDelete
  9. Luhhhh, familiar ang pagpapaliwanag sa bawat saknong. hehe You're welcome!

    ReplyDelete
  10. Ang ganda.... Bawat saknong ay malalim ang kahulugan..... Napakahusay na manunulat ni jose corazon de jesus

    ReplyDelete
  11. Ano po ang natutunan niyo po satula ??

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  12. Ano Po Ang simbolo Ng punong kahoy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buhay ng tao po, which is buhay ng nagsilat ng tula

      Delete
  13. Hello, asan po ang larawang diwa jan, anong saknong po?

    ReplyDelete
  14. Ano ano Po Ang ag mga magkasingkahulugan na pahayag o salita

    ReplyDelete
  15. Ano po ang sinasagisag ng punong kahoysa tula?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Simbolo ng buwan, gabi, sanga, kahoy, o ng buhay😊

      Delete
  16. Ang ganda ng pagsusuri ng tula

    ReplyDelete
  17. Replies
    1. ang awtor ay kong sinon ang sumulat sa akda aat ang sakot dyan makikita sa test paper o libro nyu sa ilalim ng tittle

      Delete
  18. Ano po yung persona sa tula?

    ReplyDelete
  19. Thank you nakatulong ito saakin.❤

    ReplyDelete
  20. Ano po yung persona sa tula?

    ReplyDelete
  21. Ano po ang simbolo ng krus, Organo, kampana, ibon, hukay, at gabi sa tulang ito

    ReplyDelete
  22. Pwede ko po malaman name ng author review?

    ReplyDelete
  23. ano ang sukat ng punongkahoy

    ReplyDelete
  24. Gusto ko po lang sabihin na stan SEVENTEEN

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAAHHAHh nag aaral na ako ng mabuti ehh minulto pa ako ng SEVENTEEN huhu

      Delete
  25. Maraming salamat po! Mas naiintindihan ko na ang tula na ito. Tunay na maganda ang mensahe at gintong aral na matutunan dito. :D

    ReplyDelete
  26. AHH OO GANDA NG TULA, BTW STAN BLACKPINK KASE CHAELISA AND JENSOO LANG MALAKAS BUDDY

    ReplyDelete
  27. lf kaduo sa module chat moko sa telegram @hindiakoghoster

    ReplyDelete
  28. ANO PO UNG LARAWAN DIWA SA TULA

    ReplyDelete
  29. Anong larawang-diwa ang makikita sa Tulang "Sa Isang Punong Kahoy"? Ipaliwanag ang sagot.

    ReplyDelete
  30. bakit pinamagatang punong kahoy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi ung punong kahoy ang napili ng akda na nagrerepresenta sa buhay ng tao kumbaga habang tumatanda tayo unti unti tayong nanghihina parang puno na kapag tumanda ay nalalagas ung mga dahon at unti unting namamatay.

      Delete
  31. Salamat po!Btw,stan Stray Kids

    ReplyDelete
  32. Saang book po ito makikita yung tula at anong page po

    ReplyDelete
  33. Sino po ang naglathala ng tulang ito?

    ReplyDelete
  34. Sa mga sanga ko ay nangakasabit. Ano po ibig sabihin ng " nangakasabit"?

    ReplyDelete
  35. Abracadabra Sana nakatulong kapa sa iba

    ReplyDelete
  36. ano ang kahulugan ng ika apat na saknong?

    ReplyDelete

Post a Comment